flag PH
MAGPAREHISTRO MAG-SIGN IN
Apple 22Bet App Android
App

Magagamit ang 22Bet mobile app para sa mga device na Android at iOS. Pinahihintulutan nito ang mga mananayang dalhin ang buong sportsbook at casino saanman sila magpunta.

22Bet Mga bonus

22Bet Mga Bonus at Promosyon

22Bet Mga bonus

Isang online sportsbook at casino ang 22Bet, na isang pagmamay-ari ng Marikit Holdings Ltd. 22Bet ay isang online sportsbook at casino na pagmamay-ari ng Marikit Holdings Ltd. Isa itong korporasyong ganap na lisensyado para sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pagpupusta sa sports at online na pagsusugal. Ang punong-tanggapan ng Marikit Holdings Ltd ay matatagpuan sa Cyprus.

Tila ang pangunahing layunin ng 22Bet ay mamahagi ng moderno at pinahusay na karanasan sa pagpupusta na naghahandog ng malawak na seleksyon ng iba’t-ibang uri ng mga pustahan.

Maaari kang tumaya sa mga larong pang-casino at mga kaganapan sa mundo ng sports, na siyang nangangahulugan ng walang humpay na kasiyahan para sa lahat ng uri ng manlalaro.

Pag dumako naman tayo sa seguridad, maaasahan mo ang proteksyon ng iyong pansariling impormasyon at datos tungkol sa pagbabangko sapagka’t nagmamay-ari ito ng sertipikong panseguridad. May taglay din itong mga patakaran tungkol sa pagkapribado at mga cookie na maaari mong ipagsangguni sa alinmang pahina ng naturang website.

Bueno, mainam lahat iyon…ngunit ano ang maaaring i-alok sa iyo ng 22Bet bilang manlalaro sa online casino at mananaya sa sports? Ating talakayin ito ng masinsinan.

WELCOME BONUS NG 22BET: ANO ANG MAAASAHAN MO MULA SA 22BET?

Tila madaling makahanap ng online bookmaker na nag-aalok ng welcome offer o di kaya welcome bonus upang makapanghikayat sa pagrehistro ng mga bagong manlalaro.

Ang mga welcome offer na handog ng 22Bet ay maihahalintulad sa ibang mga umiiral na sports betting bonus na kasalukuyang lumalaganap, kaya sa palagay namin ay sapat na sapat ito.

Binabati ng 22Bet ang mga bagong manlalaro gamit ang sign up bonus sa kanilang ika-unang deposito. Galanteng dinodoble ng 22Bet ang bawat unang deposito pagkatapos na pagkatapos ito isagawa ng sinumang manlalaro. Nangangahulugan ito na maaari kang makatanggap ng malaking halaga ng mga bonus na credit sa simula pa lamang.

Ngunit ano nga ba ang mga handog na bonus ng 22Bet para sa mga mananaya sa sports betting at manlalaro sa online casino? Ating alamin sa susunod na bahagi.

22BET BONUS PARA SA SPORTSBOOK: ISANG MAPAGKAKATIWALAANG PANANAW

Kapag magbukas ka ng bagong betting account para sa 22Bet sportsbook, maaari kang mag-avail 100% bonus sa unang pagkakataon mong mag-deposito. Maaari mo itong gamitin para sa pustahan sa sports o di kaya sa online casino ng 22Bet.

Kung mahilig ka sa mga accumulator o parlay, tiyak na magugustuhan mo ang bonus na ito, sapagka’t kabilang ang mga ito sa mga tuntunin ng bonus para sa unang deposito sa sports betting.

Bukod sa nasabing bonus sa unang deposito para sa sports betting, mayroon pang Friday Reload Bonus na lingguhang ipinamamahagi ng 22Bet para sa pinakamaliit na deposito na €1. Tatatapatan ng 22Bet ang iyong deposito ng 100% hanggang sa halagang €100. Kung nais mong palakihin ang iyong panlaro bago magsimula ang katapusan ng linggo, ito ang bonus para sa ‘yo.

At pagkatapos ipampusta ang halaga ng bonus na ito ng limang beses (5x), ipapamahagi sa iyo ang payout. Ngunit napapasailalim ang naturang bonus sa iilang mga tuntunin ukol sa kinakailangang halaga ng pagpusta, o rollover kung tawagin.

Bukod pa dito, mayroon pang accumulator bet boost. Kapag pumusta ka ng 7 o mahigit pang seleksyon sa isang accumulator o parlay, at isa lang ang matalo sa mga ito, bibigyan ka ng 22Bet ng bonus.

At pangwakas, naghahandog din ang 22Bet ng bonus para sa sunod-sunod na pagkatalo. Kapag natalo ka ng 20 na sunod-sunod na pusta kahit sa iba’t-ibang mga sports sa loob ng 30 araw, maaari mong matanggap ang bonus na ito.

Dahil laging nagbabago ang mga handog na bonus ng 22Bet, ang aming mungkahi ay magtungo ka sa website ng 22Bet para manatiling napapanahon sa pinakahuling balita.

Ating tatalakayin ang mga tuntuning ito sa mga susunod na bahagi ng pagsusuring ito. Sa ngayon, ating tatalakayin ang mga bonus para sa online casino.

22BET BONUS PARA SA NAIS MAGLARO SA ONLINE CASINO

Kung aksyon sa casino ang hanap mo, may handog ding IILANG casino bonus ang 22Bet.

Matapos mong magrehistro sa 22Bet Online Casino, maaari mong i-avail ang 100% welcome bonus sa una mong deposito at tatapatan ito ng 22Bet hanggang sa halagang €300. Ang mga bonus na pondong ipapamahagi ay mayroong wagering requirement ng 50x, at ang mga pusta sa slots ay itatala ng syento porsyento.

Bukod sa welcome bonus na handog ng 22Bet Online Casino, mayroon ding lingguhang bonus na Weekly Race Bonus na maaari mong salian para manalo ng bahagi ng premyong €10,000.

ALIN ANG MGA BONUS CODE PARA SA 22BET?

Karamihan sa mga online betting operator ang nag-aalok ng mga promo code para sa mga bagong manlalaro. Bilang bagong manlalaro, maaari mong samantalahin ang pagkakataong makatanggap ng promo code para sa mga welcome bonus na handog ng 22Bet, tulad ng bonus na bibigyan ka ng 100% ng iyong unang deposito.

Kailangan mong magrehistro ng account gamit ang 22Bet promo code upang matanggap ang bonus na ito at magsagawa ng deposito.

Sa kasalukuyan, heto ang kasalukuyang umiiral na promo code para sa 22Bet.

MGA LINGGUHANG BONUS NA HANDOG NG 22BET PARA SA ‘YO

Magmula pa sa pagtatag ng 22Bet nakatuon na ang pansin nito sa paghikayat sa mga manlalaro salamat sa matataas na odds at malawak na mga handog na sports at mga uri ng pusta.

Kabilang dito ang mga bonus na handog ng 22Bet kada linggo. Para magamit mo ang pinakahuling mga promosyon, dapat ka munang gumawa ng bagong 22Bet account at isagawa ang iyong unang deposito.

PAGSUSURI NG LINGGUHANG FRIDAY RELOAD BONUS

Hindi nakakalimutan ng 22Bet ang mga matapat nitong manlalaro, sapagka’t tuwing Biyernes, namamahagi ang 22Bet ng bonus para sa mga depositong isinagawa ng mga manlalaro sa araw na iyon.

Kilala ito bilang Friday Reload Sportsbook Bonus, kung saan tatapatan ng 22Bet ang anumang deposito tuwing Biyernes na tatapatan ng kompanya ng 100% hanggang sa sukdulan ng €100. Tuwing Biyernes lamang ito maaaring gamitin.

Simple lang kunin ang bonus na ito – magrehistro o mag-log in lang sa website ng 22Bet, magdeposito ng Biyernes, at kunin ang iyong bonus na siya namang tatapatan ng 22Bet ng 100% hanggang sa halagang €100.

Isa sa mga mahalagang alalahanin tungkol sa bonus na ito ay dapat itong ipampusta sa loob ng 24 oras ng pagpapamahagi nito ng 22Bet. Kung hindi, mapapawalang-bisa ito.

Para manatiling napapanahon sa pinakahuling mga promosyon ng 22Bet sa kasalukuyan, dapat ka munang gumawa ng bagong 22Bet account at pondohan ang account mo sa unang pagkakataon.

LISTAHAN NG MGA BONUS NA HATID NG 22BET

Saan ka man naroroon sa Pilipinas o sa daigdig, malaki ang tsansang tumanggap ng galanteng welcome bonus kapag magrehistro ka sa 22Bet. Kilala ang site na ito sa mga bonus na ipinagkakaloob nito sa mga bagong manlalaro. Heto ang mga bonus na maaari mong mapasakamay sa kasalukuyan.

  • Bonus para sa Unang Deposito para sa Casino – Isa ka bang bagong manlalaro na nais sagarin ang iyong panimulang kapital? Doblehin ang iyong unang deposito hanggang €300!
  • Weekly Race Bonus para sa Casino – Para sa mga suking manlalaro sa casino, sali na sa Weekly Race para sa pagkakataong manalo ng bahagi ng €10,000!
  • Welcome Bonus para sa Sportsbook – Aksyon ba sa sports ang habol mo? Doblehin ang iyong panimulang kapital hanggang €122 para sa una mong deposito.
  • Friday Reload para sa Sports Betting – Isang handog para sa mga suki ng 22Bet Sportsbook – doblehin ang iyong idinepositong halaga tuwing Biyernes hanggang €100 para tuloy lang ang ligaya!
  • Bonus para sa sunod-sunod na pagkatalo – Minamalas ka ba sa sports? Bibigyan ka ng 22Bet ng bonus upang makabawi sa sunod-sunod na pagkatalo.

MGA TUNTUNIN NG BONUS UKOL SA KINAKAILANGANG HALAGANG DAPAT IPUSTA

Para kunin ang alinmang bonus, mapa-casino ka man o mapa-sportsbook, dapat kang magdeposito ng hindi bababa sa €1. Heto ang mga naturang tuntunin.

  • Unang deposito para sa sports betting: Matatanggap mo lamang ang bonus para sa sportsbook kung makamit mo ang mga kondisyon para sa rollover o ang pagpusta ng kabuuang halaga ng naturang bonus (5x) sa loob ng 7 araw. Dapat mong ipusta ang halaga ng bonus ng limang beses sa mga accumulator bet o parlay na dapat naglalaman ng tatlong seleksyon sa sports na hindi bababa sa 1.40 ang odds. Kapag matagumpay ka sa pagpusta ng bonus ng 5x sa pamamagitang ito, makakatanggap ka ng 100% bonus.
  • Unang deposito para sa online casino: Para sa online casino, ang bonus na pondo (100% ng iyong deposito hanggang €300) ay dapat ipampusta ng 50x, kung saan ang pagpusta sa mga slots ay bibilangin bilang 100%. Ngunit dapat din namin sabihin na may iilang mga slots na hindi kabilang dito. Karamihan sa mga table games at video poker ay mabababa ang rate ng kontribusyon (5%). Para sa karagdagang detalye, inirerekomenda namin na tingnan mo ang mga tuntunin at kondisyon ng larong nais mong laruin sa website ng 22Bet.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga tuntuning gumagabay sa mga bonus, mangyaring magtungo sa website ng 22Bet.

MGA PINAKAMADALAS NA KATANUNGAN TUNGKOL SA MGA BONUS

  • Mayroon bang umiiral na bonus kung saan hindi kailangan magdeposito ang manlalaro sa 22Bet sa kasalukuyan?

    Walang handog na no deposit bonus ang 22Bet Casino sa kasalukuyan.

  • Paano ko ipapampusta ang mga bonus na aking natanggap?

    Ang kabuuang halaga ng bonus na ipapamahagi ng 22Bet batay sa unang deposito ay kinakailangang itaya ng 50 beses para sa mga pagpusta sa casino, at ipusta ng 5x kung ito ay gagamitin para sa pagtaya sa sports.